Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2008

WANTED: ROOMMATE

Qualifications: Nursing student Male/Female Will take the NLE on June 2008 Studious (and determined to pass) Can study in a group (advantage) Can live without television Can share on a 4-6 person capacity Condo unit located along U-belt Not a party person If you meet the following requirements, please mail me at: ajsanpedro[at]gmail[dot]com Thanks. **Roommate is needed from April-May. Just an update: I'm enjoying my life. I'm happy and contented (though still aiming and working for the best).

labentayms

i always feel loved pero parang may kulang. kanina nasa mall ako, nilibre ko ang sarili ko. labentayms eh. kumain ako sa brother's burger. medyo nahiya ako kasi isa lang ako sa iilan na nag-iisa. di ko maikakaila naawa ako sa sarili ko. habang ang lahat ng nasa paligid ko ay mahihigpit na magkakayakap o kung hindi naman ay kuntento na sa holding hands, ang ilan naman, masarap na naghahalikan, ako mag-isa, walang kausap. masaya naman ako na mag-isa. sa 2 dekada ko dito sa mundo, mas pinili kong mapag-isa at hindi naman ako nakaramdam ng hirap. ewan ko ba, bigla ako nakaramdam ngbiglang pananabik. ano nga ba ang pakiramdam ng may kayakap o kaholding hands na iba bukod sa mga kaclose na kaibigan? o kaya naman ay yung pakiramdam na may hinahalikan tuwing uuwi ka bukod sa nakababatang kapatid at magulang? ano nga kaya? kahit nga yung feeling ng manligaw di ko alam, yung ganun pa kaya. hindi naman ako manhid. medyo marami nga lang siguro akong mas prayoridad kaysa sa pansariling pag-ibig...

nothing can be more sweeter than this

This made me cry. I've been waiting for so long to hear such words from my very brother. I'm so happy I belong to the family I have. Inconsistencies are part of world's reality and I am so much happy that despite those inconsistencies, our family was able to cope up with all the trials. I know they know how much i feel for them. I am willing to sacrifice everything just for my family. everything. They mean so much to me. They really do. I would like to wake up each day seing their faces first. My family is continuously giving meaning to my life. I hope and pray to the stars above that such meaning i feel won's stop.

sa isang nalalapit na pangarap

Kulang dalawang buwan na lang, maabot ko na ang pinapangarap ng lahat ng isang estudyante. Ang makaakyat sa entablado para makuha ang pinakamimithing diploma na sumasagisang ng isang pagiging ganap na propesyunal. Pero para sa akin, higit pa doon ang ligaya na alam kong mararamdaman ko sa oras na mangyari yun. Hindi lahat nagkaroon ng lakas ng loob o nabigyan ng karapatan para makuha ang kursong gusto nila. Noon, nakaramdam ako ng paanyaya mula sa itaas para pumasok sa seminaryo upang gampanan ang isang tungkulin. Tinanggihan ko sapagkat hindi pa ako handa ng mga panahon na yun. Tinalikuran ko ito para sa isang mas magandang pangarap, ang maging isang tagapangalaga, o isang nars. Doktor talaga ang gusto ko noon pa man ngunit dahil hindi kayang suportahan ang aking nais, nilapit ko kahit papaano para sakaling palarin man ako sa propesyon na kuhanin ko, maipagpapatuloy ko. Walang nasayang. Sobra sobra pa nga eh. Natuto akong mangarap hindi lamang para sa sarili ko kundi para na rin sa ib...