Maraming wika, biyaya ng kabihasnan, sangkap-Pinoy na namumukod tangi. Iba’t ibang panulat at pananalita, pinagbuklod ng iisang kultura, damdamin at mithiing para sa kapwa at sa Inang bansa. ABAKADA- iyan ang isa sa mga salita na una kong natutunan noong nagsisimula pa lamang akong mag-aral. Sa katunayan, isang popular na libro ang naging una kong guro, ang dilaw na libro ng abakada. Sa aking paglaki, unti-unti akong namulat sa iba pang wikang umusbong at yumabong sa Pilipinas. Dati rati, sa aking murang pag-iisip, nag-iisa lamang ang itinatangi kong Abakada, na wala nang iba pang wika ang nag-ugat, nagka-ugat, maririnig at mababasa sa ating bansa kundi ang Abakada. Laking gulat ko nang malaman kong humigit sa 100 ang wika natin sa bansa. Naitanong ko tuloy sa aking sarili, “Ano naman ang magandang maidudulot nito sa aming bansa? Hindi ba’t mas magulo at mahirap magkainitindihan kapag napakarami nating wikang ginagamit at naririnig?” Dumaan ang mga araw, napilas na ang mga buwa...
Inspiring people through words