so far so good naman. walang ibang nangyari sa akin kundi ang maghikab at gumawa ng kalokohan. isa akong malukong bata sa eskwela. marahil siguro di ko talaga interes ang gusto kong pag-aralan. haha. ngayon pa ako sinumpong ng katamaran sa pag-aaral ng medisina kung kelan nasa ikatlong taon na ako. pero wala nang atrasan. hayaan mo nang gugulin ko pa ang halos dalawang taon para manatili at mag-aral ng mabuti sa isang unibersidad na inaasahang makakapasa ka sa board exam at magiging isang top natcher. Eto, unang dalawang araw nasa ospital ako para magduty. Night-shift ako kaya medyo masaya na malungkot kapag uwian na kasi mag-isa na lang ako. di ako masaya nuon kasi medyo problemado ako sa isang bagay na kalimutan na natin. nilibang ko ang aking sarili sa pa-aakyat baba sa ospital at pagpapalit ng damit dahil sa isang sterile area ako nagkapwesto. binili ko ang mga utos nila, inumin tubig, curls, at mais. pati na rin ang pancit canton ang noodles na may sabaw na pinabili ng aking clinical instructor. Nung ikalawang araw ng pananatili sa ospital, para bang fiesta. daming ulam at pagkain kasi un na ang huling pananatili namin sa lugar na iyon. pupunta na kami sa isang medical at surgical ward. and simula ng kalbaryo. kapag naipasa ko ang semestreng ito sa malulupet ng propesor ko sa kinatatakutang unibersidad kung saan ang may mga potensyal lamang ang natitira eh makakahinga na ako ng maluwag. picturan dito picturan doon. wala kaming ibang ginawa kundi ang gumawa ng pose. kami ng kabebe ko eh nagexhibition pa. Gymnastics ang ginawa naming mga pose. haha. puro kalokohan. Maaga kaming pinauwi kasi halos wala na halos pasyente na aktibo ang paglalabor. manonod pa rin daw ung iba kong kaklase ng ending ng jewel in the palace. haha. pumayag naman ang aking propesor. Nalungkot lamang ako dahil akin na ang susunod na case para makakumpleto. kakahinayang. Ikatlong araw, sa unibersidad na ang drama. Alas-diyes kasi ang set up at sa isang AVR para sa isang katamarang subject, ang Bioethics. Ewan ko ba di ko lang siguro feel ang propesor ko. Alas-diyes media ako dumating. trenta minutos akong late. Hindi na ako dapat tanggapin pero dahil sa kakaunti pa lamang kami eh pinalusot na. Sa NAL 2 kasi dapat kami eh bakit napunta sa AVR. Wala ang mang iniwang note duon sa dapat sana eh pagklasehan namin. Napahiya pa tuloy ako (muntik lang naman kasi napasok ako sa isang maling room). Sunod sunod nang dumating ang mga kaklase ko kaya marami ang napagalitan. Nagpasahan na pala ng classcards at reg form oara pirmahan ng guro at patunay na rin na enrolled ka na sa klase niya. Ang malas. Naiwan ko ung akin. Binalak kong manghiram ng isa sa isang kabebe ko kaya lang may tatak itong BIOETHICS. Patunay na para lamang un sa subject nya. wala akong nagawa kundi ang magsubmit ng isang papel na ipinareho ko na lang sa sukat ng isang classcard. Attendance rin kasi. Hanggang ala-una ang drama kaya lahat kami ay nakanganga na lang. Tomguts na rin kasi kami. iba ang pinag-uusapan pero may kinalaman sa Bioethics. Di na ako sumagot kasi baka makaines na naman ako ng propesor eh ibagsak ako. Nanahimik na lang ako. Aba, alas dose na hindi pa tapos ang drama. un pa rin ang topic. Eto lang naman ang gusto kong isagot sana tapos sabay walk out dahil naiirita na ako sa ambience at gusto ko na makita ang outside world. "Ma'am, if you don't mind me talking, I would just like to tell personally that there's no reason of talking about this things because the administration has no decision yet. and if ever we give our points, will it help to change the decision? Everything that we are talking is just between you and us. You've given your points and so us. period. Hope you don't mind and just let me free to get out of this class. thanks." Haha. yan dapat ang isasagot ko kaya lang pinigilan ko ang sarili ko dahil isang matapang na ako na naman ang lilitaw. applause sa classmates at init ng ulo sa propesor kaya napagdesisyunan ko na wag na lang. haha. Nag-intay ako ng pagkakataon. Sa wakas, lumabas ang isa kong classmate para jumingle. si manny packs. kickboxing nga lang ang dating. haha. Sinamantala ko ang pagkakataon habang nag-uusap ang kaklase ko at propesor about thetopic at habang palabas rin si classmate. nagpaalam ako kila bebe at sinabi ko na babalik na lang ako mayang hapon para sa susunod na klase. Sa waka, nakatakas. Paglabas ko, laking gulat ko na marami pa rin pala ang di pumasok. haha. napaaga ako ng isang oras kaysa sa kanila at iyon ang tinatawag na cutting class. Nung hapon, wala lang. nagbotohan lang ng officers at gaguhan to the max na naman ang birit. si diet at tin tin gamosa (di totoong pangalan, bansag lang namin) ang naging presidente at el el presidente. Hari at reyna ng libido. Kami ay nasa mundo lagi ng GOBILandia. Puro kasi kami kalibugan. Ako si Dr. Lust sa aming eskwela. masyado akong kilala sa bansag na yan. Kapag sinusumpong kasi ako eh kalokohan lagi nasa isip ko at pati ung mga ginagaa ko. Dahil doktor nga ako, alam ko kung paano gumawa ng isang therapeutic communication kaya wala pa naman akong nabastos. puro napatawa ko lahat at naging komportable sa akin ang mga nagiging pasyente ko. Di naman ako sex guru dahil marami kami. doctor lang ako. pero kalevel ko si Asia Agcaoili. haha. Hayaan nyo, gagawin ko yan kapag dj na ako at siguradong makikilala ako. di pa nga lang yan sa ngayun. Ikaapat na araw, Medical/Surgical class (Nursing intervention I) ang drama. nasunog ang wetpaks ko sa upuan dahil napanganga ako sa propesor at nanlamig ang kamay ko sa takot na baka matawag para magrecite at magreport on the spot. Natawag naman ako ng isang beses at masayang nakasagot kahit papano. May exam agad nung umaga. Situational ang mga eksena kaya bumagsak ako. kinulang ako ng tatlong puntos para pumasa at makakuha ng 75.0 o 3.0 kahiya hiya dahil yung pinakopya ko ng mga tama kong sagot eh nataasan pa ako. pobreng bata. Kung nakinig lang sana ako eh pumasa sana ako. Mahirap na ang laban pero puno pa rin ng kompetisyon. 70% na ang cut-off para makakuha na 3.0. Ibig sabihin, kelangan mu na makakuha ng 70points sa isang 100-item questions para makapasa. Sa sitwasyon ngaun, di ko na kaya yan. Science na ang labanan. Buhay ang pinag-uusapan at parand di ko na kaya. Friday, walang pasok. Nilibang ko ang sarili ko at nagpunta sa activity center sa makati. gawa ako ng separate entry para sa experience ko dun at ung mga ginawa ko nung freaky Friday. Ngayon ay sabado. walang pasok pero bukas, Sunday. May klase ako 8am -4.0pm. socio-anthropology. ngaun ko lang sya mameet at tignan natin ang resulta. haha. Nagpapauwi ng cotton candy ang kapatid ko kapag Sunday, sana may mabili ako sa may labas ng simbahan. Mura lang kasi doon kaysa sa mall o supermarket. sige...
This article wasn't my idea actually. Here are just realizations of what's the best way to get good grades and how to have a full long-term memory rather than having a sensory motor or short-term memory. Advices are made by our very own writer from the Philippines, Ms. Jessica Zafra. Ewan ko ba kung natagpuan nya na ang tinitibok ng puso nya. haha. what i know is that matalino siya. start na tayo? Ok, ganito yan, to others, nagsisimula na ang kalbaryo ng buhay eskwela, to others sa june 13 pa. sa iba naman ewan ko. Since school year 2006-2007 has already begun, pressure to many students also come along. Hectic schedules, a lot of assignments, stupid projects and all causes insanity that ithers just freak then shout loudly to the class: "Ayaw ko na!!! I drop this subject! I can't stand you anymore!!!" In that case you will all need this good tips given by her. UNCUT VERSION (no add-ons) "How to get ridicoulously good grades in school and move on to a glorious ...
Comments