Skip to main content

Madalas sa Buhay

sampung araw na pala ang nakakalipas mula ng iwan mo ako. eto, nag-iisa. marami na rin ang nagbago. Bugok na ako. Luko luko. parang sira. Umaabsent na rin ako ng walang dahilan may may ipresent akong case report. kapag nawala naman ako sa mood nagcucutting classes na rin ako. Sinubukan kong aliwin ang sarili ko pero di pa rin kita makalimutan. mahal pa rin pala kita. Nakakalungkot pa ring isipin na kelangang umabot sa ganito ang lahat. Akala ko magiging madali lang ang lahat. Di pala. Akala ko ikaw na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kagabi nagtext ka. Nagulat ako. Sabi ko, "Hey, how's life going?" nakakalungkot isipin kung bakit ang gara ng sagot mo. Bakit naman kinailangan pang ganun ang isagot mo. pwede namang walang ganun. Sana niloko mo na lang ako sa sagot mo para naman kahit papano gumaan lang naman ang loob ko. siguro nga talagang ganun. Nagawa ko pa rin magreply pero sa sagot mo mas lalong nawasak ang puso ko. Nakakamatay pala ang selos. Di na ako nagreply kasi di ko na naman alam kung ano sasabihin ko. Naisip ko gutom lang yun. Nakain ko na ang lahat ng laman ng rice cooker pero wala pa ring nagbago. I'm tired of this things. sige, buburahin ko na ung mga pictures natin sa phone ko and ung mobile no. mo. ilalagay ko na rin sa bodega ung pictures natin o kaya baka ipasunog ko na lang kay manang kasi di ko kayang gawin un eh. habang nanonood ako, napansin ko na yun din yung pinapanood ko nung pinaiyak mo ako. sumakit tuloy lalo ang kalooban ko. nahihirapan na ako sa sitwasyon. pero wag ka na mag-alala kasi wala naman akong planong manggulo. sige, paalam na talaga. sana wag mo na rin ako gambalain. pipilitin kong maging masaya sa buhay ko ngayon at alam kong di naman malabo un.


--------------------------------------------------------------------------------


Ms. Right, wag ka muna magpapakilala ha. Excited na akong makilala ka pero wag muna. Masyado pang maaga. Sana mahintay mo rin ako. aasikasuhin ko lang muna ang pamilya ko tapos ung sarili ko. kung makikilala kita ngaun, natatakot akong baka masaktan kita. Makikipaglaro muna kasi ako. Sige...



--------------------------------------------------------------------------------


I found an entry. noong September 2005 ko pa sya ginawa. Gusto ko lang sanang ishare and sana magcomment ka para naman di lang ako ang nagshshare.

ika-2 ng Setyembre, taong 2005
8.00 ng gabi

madalas sa buhay hindi maiwasan ang masaktan. sabihin man nating hindi tayo affected, it hurts pa rin. sabihin man nating okay lang tayo, hindi pa rin.
sa katunayan, sa rami ng beses na nasabi natin na okay lang tayo, para talaga tayong sasabog sa lungkot. haaay ang buhay nga naman...
madalas sa buhay hindi maiwasan ang mahulog. ang magmahal. ngunit higit sa kalahating porsyento na nasabi natin na pangako ito na ang huli ay hindi totoo. nalilinlang tayo ng ating damdamin.
ano nga ba ang dapat gamitin? ang isip o ang puso? ginamit mo nga isip pero ang dami mo naman nasasaktan. marahil iniisip mo mas mahalagang gamitin ang puso, pero hindi mo ba naisip na marami kang sinasakkripisyo, ngunit karamihan, sa huli ay nabibigo rin at sinisisi ang sarili kung bakit puso ang ginamit nila at hid isip.
kung gagamitin mo pareho, makahanap ka pa kaya? masyado tayong maglagay ng mga batayan para mahulog muli sa isa. lahat nagiging pangit sa paningin dahil hindi pumasa sa pamantasan? ang gulo pero ano nga ba ang pag-ibig? napakahiwaga.
puno ng mahika. ngunit ano ba talaga ang tunay na susi? lahat ay nakakapagbukas ng pinto ngunit siyamnapung porsyento ay nahuhulog lang sa patibong. ilan lamang ang naging mahusay? pano naging mahusay? ano ang kanilang sikreto?

kadalsan sa buhay, sabihin man nating hindi mahalaga kung ano ang kanyang itsura basta mamalin tayo ng tunay at handang makipagsalo ng buhay sa atin, swak na. ayos na. pero nagiging plastik tayo sa ating sarili. sino ba ang niloko
natin? aminin man natin o hindi, mas nagiging matimbang ang itsura kaysa sa panloob na katangian. mali ako? baka ikaw.bakit mas marami ang sirang relasyon? bakit mas marami ang nagpapakatanga? bakit mas maraming handang
masaktan araw araw para lamang sa taong mahal nila ngunit hindi sila lubusang minahal? nakailang relasyon ka na ba? kitam? sabi ko na nga ba. bakit
mo siya pinalitan? tama na naman ako ng hinala. nahulog na naman tayo sa panlabas na anyo. ang mukhang nababalutan ng maskara.

madalas, magulo ang buhay. aminin man natin o hindi, masarap pa ring mabuhay sa kabila ng lahat ng problema. ewan. ikaw ano ba ang gusto mong mangyari?

madalas sa buhay kasabay ng panibugho, nasasabi natin na gusto na nating mamatay ngunit sa oras na dumarating na tayo sa puntong naiisip natin na hwak na ng lupa ang isa nating paa, nagdadasal tayo na gusto pa nating mabuhay. ano
ba talaga? kelan ba tayo naging seryoso? kapag kailangan? maniwala naman ako sa iyo.hindi mo ba mas gugustuhing makita ang kulay ng buhay
kaysa sa itim lamang? kailan ba tayo nag-isip ng matino? halos araw araw nga may nagagawa tayong kasalanan/pagkakamali tapos sasabihin natin "matino ako" o nasa "pasensiya na tao lang/rin". kelangan ba talagang may sisihin para
matakpan ang sarili o kelangan magmatigas para masabing matatag?

pagnilayan mo...

Comments

Popular posts from this blog

How to Get Spectacular Grades from School

This article wasn't my idea actually. Here are just realizations of what's the best way to get good grades and how to have a full long-term memory rather than having a sensory motor or short-term memory. Advices are made by our very own writer from the Philippines, Ms. Jessica Zafra. Ewan ko ba kung natagpuan nya na ang tinitibok ng puso nya. haha. what i know is that matalino siya. start na tayo? Ok, ganito yan, to others, nagsisimula na ang kalbaryo ng buhay eskwela, to others sa june 13 pa. sa iba naman ewan ko. Since school year 2006-2007 has already begun, pressure to many students also come along. Hectic schedules, a lot of assignments, stupid projects and all causes insanity that ithers just freak then shout loudly to the class: "Ayaw ko na!!! I drop this subject! I can't stand you anymore!!!" In that case you will all need this good tips given by her. UNCUT VERSION (no add-ons) "How to get ridicoulously good grades in school and move on to a glorious ...

Irony of a False Love

Isn’t it stupid that we allow a person whom we barely know and whom we just met to destroy the fruits of our past and to dictate our future by investing all our emotions in the belief that he/she can provide the happiness that we would need to last our lifetime? Isn’t it amazing how society can make us believe that we can leave the very people who have molded us into who we are just for this certain “special someone”? Isn’t it ironic how almost everyone subject themselves to emotional anxiety and pains in search of what they call ‘LOVE’, when in fact, nobody can even provide a single (and universally accepted) definition of this word, when nobody can guarantee an end when the journey begins? It only hurts when I’m awake. In my dreams you love me more. You let me hold you for as long as I want to and you never let go or back away from me. You let me kiss you in public no matter how passionate or sensual that kiss may be. You listen to everything I have to say even if they don’t mean j...

Summarizations

probably, this may be my last post for this month. i have a lot of requirements to submit and i have to meet all the requirements.and also the article that i have to finish for this month is started yet. but i'll still visit this everyday. you can see me online too on my ym account: gnomishwysard Message Everytime you wake up in the middle of your sleep, there's always this meaning. God wants to take to you. It's a magic that every 4.30am someone tries to wake me up. so surprised to find out that there is this "Christian" group who pray the rosary during that time. that thing is a prayer for world peace. but last tuesday, something weird happened. something made me wake up even when i have just slept for less than an hour. i was able to start the praying of the rosary. the Apostles Creed, one Our Father, 3 Hail Mary's, one Glory be, etc. i reached up to the 2nd mystery then unconsciously i have fallen asleep. I got a nightmare. the scene happened in front of t...