MIXED SITUATIONS: Depression
Sending myself to school wasn’t really easy. In most cases, ordinary students doesn’t really understand the situation how it feels budgeting the money til nothing is left in your pocket. Not even a single penny. I send myself to school by choice. It is my decision since I got so much bothered about the feeling of being a failure to their expectations.
Mahirap pala magpaaral. Akala ko ganun ganun lang. Ngayon, sa halos dalawang taon na pagsusuporta ko sa sarili ko, sa baon, matrikula, at kung anu-anong gastusin, naubos na ang savings ko. Akala ko ganoon lang kadali. Nanghihinayang tuloy ako sa mga panahon na kumikita ako pero kung san san ko lang dinadala ang pera. Bili dito, bili doon. Di ko lang man narealize kung ano ang value ng pera. Madali kasi pumapasok pera sa akin noon. Nagawa ko pa nga sagutin ung tuition ng classmate ko para sa isang semester dahil nakikita ko ung galling at determinasyon nya. Ngayon, wala na sya. Sayang matalino pa naman. Ang mahal nap ala ng edukasyon ngaun. Kahit tawagin kang iskolar ng bayan, halos hindi na nalalayo matrikula mo sa mga pribadong unibersidad. Totoo pa nga ba na ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN kung ang karamihan ay no read no write na?
Hindi pinupulot ang pera. Nalulungkot ako para sa mga magulang ng kaklase ko ngayon. Kung alam lang nila kung gaano PALA kumita ng pera at pagkasyahin ang kita sa pang-araw-araw na gastusin. KUNG ALAM LANG NILA…
Mabuti na rin na namulat ako sa ganito by choice than fate. Alam ko na pag di ko naman kinaya, maaalalayan agad ako. Kaysa dumating ako sa punto na di ko na kaya tapos wala naman ako madedependehan dahil gipit lahat. Mabuti na nakita ko ang halaga at natutunan ko pahalagahan ang meron ako. Pero sa ngaun, wala pa rin ako napapatunayan sa sarili ko eh.
Comments
Lol. Anyway, at least you've done your part. Hindi ka masyadong pabigat sa pamilya di tulad ko *at kasalukuyang naglalaslas*. Lol!
Daan! Nako parang di ka na avilable sa inuman dahil mega tipid ka ah...
kaya habang wala pa, enjoy-enjoy muna.
pero huwag kalimutang i enjoy ang buhay ha .. di ka naghahanapbuhay para ma miss mo ang esensya ng paghahanapbuhay.
please visit http://salaswildthoughts.blogspot.com/ for votes. thanks. Tc.
tc.. arron....
i just came across your blog and i find it interesting, with all what you have to say.
keep true to yourself. ingatz. God bless =)
Mahirap talaga magpaaral sa sarili. Luckily 3 units lang ako ngayon and part-time work.
Keep it up!