Wala akong pasok last wednesday. Pasig Day kasi kaya naisipan ko ayusing yung mga papel ko kasi natanggap at kinukulit na ako para sa isang HR position sa isa sa mga malalaking kumpanya sa Makati. Sa totoo lang, nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko pa ba kasi nagtratrabaho na ako bilang isang teacher. Masaya naman ako sa ginagawa ko at naniniwala ako na yun ang pinakamahalaga sa lahat. Magkaganun pa man, ninais ko na siguraduhin na kumpleto ang mga documents ko nang mapagtanto ko na nawawala ang NBI Clearnace ko. Nagpagawa ako ng Affidavit of Loss sa tito ko para siguraduhin na magiging maayos ang muli kong pag-aapply. Hinapon ako ng alis dahil napasarap ang pag-iinternet ko sa bahay. Lagpas alas tres na ng hapon ng ako ay makagayak at makaalis. Limang minuto lang naman ang byahe para makarating sa nag-aayos ng NBI Clearance. Pagdating ko, sarado na. Nabasa ko pa "Hanggang alas tres lamang po ang pag-aapply. Hanggang alas singko naman ang pagproproseso. Maluwag ko namang tin...
Inspiring people through words