Wala akong pasok last wednesday. Pasig Day kasi kaya naisipan ko ayusing yung mga papel ko kasi natanggap at kinukulit na ako para sa isang HR position sa isa sa mga malalaking kumpanya sa Makati. Sa totoo lang, nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko pa ba kasi nagtratrabaho na ako bilang isang teacher. Masaya naman ako sa ginagawa ko at naniniwala ako na yun ang pinakamahalaga sa lahat. Magkaganun pa man, ninais ko na siguraduhin na kumpleto ang mga documents ko nang mapagtanto ko na nawawala ang NBI Clearnace ko. Nagpagawa ako ng Affidavit of Loss sa tito ko para siguraduhin na magiging maayos ang muli kong pag-aapply. Hinapon ako ng alis dahil napasarap ang pag-iinternet ko sa bahay. Lagpas alas tres na ng hapon ng ako ay makagayak at makaalis. Limang minuto lang naman ang byahe para makarating sa nag-aayos ng NBI Clearance. Pagdating ko, sarado na. Nabasa ko pa "Hanggang alas tres lamang po ang pag-aapply. Hanggang alas singko naman ang pagproproseso. Maluwag ko namang tinanggap na hindi kagandahan ang araw na iyon para sa akin kasi kelangan ko ng isang araw sa weekdays ko para maasikaso yun. Ayus lang. Nakatagpo ko rin ang isang babae na sabihin nating sawi din kasi late na siya nakarating. Nag-usap kami, napagkasunduang makiusap baka naman pwede pa maghabol kasi dalawa na lang naman kami. Sabi nung mga tao sa loob machine operated daw kasi ang oras. Muli, maluwag kong tinanggap. sinubukan kong alamin kung pano ulit ang proseso ng pag-aapply. Nang maisaulo ko na, napagpasyahan ko nang umalis. Sabi ko sa babae, "hey, uwi na ako. hehe" nang bigla kong makita na may finifill-up-an na siya na kulay asul na papel. Tinanong ko siya kung ano yun, sabi niya bigay nung mama. napakiusapan niya para pagbalik niya bukas hindi na siya pipila pa. Sabi ko ako nga din subukan ko makiusap kasi kailangan ko din naman talaga. Di ko naman aasikasuhin ang isang bagay para wala lang lalo na kung gagastusan ko pa. Mahinahon at puno ng galang kong sinabi sa mama na tinuro niya na"sir good afternoon po, baka naman po sir pwede na makahingi rin ng application paper para po pagbalik ko po mapabilis na po ang proseso" Banat ba naman niya na medyo may kakapalan, "BAKIT, BABAE KA BA? " Uminit na dugo ko pero kinontrol ko pa rin ang sarili ko kasi ako yung nakikiusap. Sabi ko, "Sige na po sir kasi po galing pa po ako ng trabaho sa Maynila. Tsaka kelangang kelangan ko na rin po sa trabaho" Bumanat siya ng pasigaw at sabi "Eh ano ba gusto mo? Bawiin ko na lang yung papel na binigay ko sa kanya para patas kayo? Kita mo na na kelangan kelangan tsaka dyaan lang sya kaya pinagbigyan ko na". Nakiusap yung babae sa akin na kung pwede wag naman kasi sobra talaga nilang kailangan. Haaaay putangina! super sa grabe. Naisip ko, bakit ko ibababa yung lebel ko para sa isang tao na naturingan pang opisyal na mapakakitid ng utak. Mahinahon ko pa ring sinabi, "Sige po sir, salamat na lang po. Babalik na lang po ulit ako pag wala na akong pasok."
Napakakitid ng utak niya. "Bakit babae ka ba? Eh ano ba ang gusto mo?" Haaay, lintek. Super talaga.
Napakakitid ng utak niya. "Bakit babae ka ba? Eh ano ba ang gusto mo?" Haaay, lintek. Super talaga.
Comments