Skip to main content

Hinaing

naiinis ako sa pagkakagraduate ko bilang isang nursing student sa isang bansang puno ng di mo malaman kung sino ba ang dapat sisihin kasi lahat may pagkakamali. nakapasa na ako sa licensure examination at lahat pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin magamit ang degree na natapos ko. Isa ako sa mga tinatawag na underemployed ngayon. Iba ang trabaho at napakalayo sa kursong pinagtapusan para lamang kumita ng pera. Masaya naman ako sa mga nagiging trabaho ko pero di ko pa rin maalis sa isip ko na hindi ito ang gusto ko mangyari sa buhay ko. Ayokong sabihin pero abusado kasi ang mga kumpanya pati mga hospital na gusto mong pasukan. OO, halos lahat sila. wala sa bansa ko ang kinabukasan ng degree na napagtapusan ko. Lahat kasi nangangailangan ng hospital working experience para makasweldo ka ng anim na libo. Karamihan pa sa magagandang hospital, dalawang taon ang hinahanap sayo para lamang maging isa kang staff nurse. Mahirap kuhanin ang tinatawag nilang working experience. Kung makapagdemand sila, akala mong hindi ka nag-ojt/intern/duty sa hospital mula nung nasa ikalawang taon ka pa lamang sa kolehiyo. mahirap din makuha ang working experience kasi taon taon napakaraming nagtatapos ng nursing. Napakarami mong kakumpitensya. Sa mga ospital, bakit pa nga naman sila maghahire ng mga staff nurses kung taon taon meron nag-aapply na volunteer nurse at may mga estudyanteng nagseserbisyo sa kanila para lamang masabi na nakumpleto nila ang oras na required ng eskwelahan para makagradweyt ka. tapos naiinis ako sa media kasi kung makapagsalita sila sa mga nurses na nangingibang bansa para bang mga taksil kami at walang mga utang na loob. Kung iisipin mo nga wala naman dapat tanawing utang na loob. Bakit? pinagkakitaan ka na't lahat ng eskwelahan na dahil in demand and kursong nursing, siya dig bilis ng pagtaas ng matrikula para sa kurong yun. pagkatapos mo, kukuha ka ng kung anu anong lisensya para makapagserbisyo ng libre. pagkatapos ng volunteer work mo, di ka naman agad agad maging staff nurse, mauuwi ka lang sa pagiging tambay o kung magiging praktikal ka, hahayaan mong maging underemployed ka, lulunukin ng buong buo ang degree na pinaghirapan mong matapos para lamang kumita ng pera sa ibang propesyon. nakakalungkot talagang isipin lalo na ang mga pangmamata ng tao sa tuwing makakakita ng isang nursing student

Comments

The Mikologist said…
ganyan talaga d2 sa pinas,
pagkatapos kang gatasan,
ikaw din ang iluluto
sa sarili mo pang mantika.

hayz.

Popular posts from this blog

How to Get Spectacular Grades from School

This article wasn't my idea actually. Here are just realizations of what's the best way to get good grades and how to have a full long-term memory rather than having a sensory motor or short-term memory. Advices are made by our very own writer from the Philippines, Ms. Jessica Zafra. Ewan ko ba kung natagpuan nya na ang tinitibok ng puso nya. haha. what i know is that matalino siya. start na tayo? Ok, ganito yan, to others, nagsisimula na ang kalbaryo ng buhay eskwela, to others sa june 13 pa. sa iba naman ewan ko. Since school year 2006-2007 has already begun, pressure to many students also come along. Hectic schedules, a lot of assignments, stupid projects and all causes insanity that ithers just freak then shout loudly to the class: "Ayaw ko na!!! I drop this subject! I can't stand you anymore!!!" In that case you will all need this good tips given by her. UNCUT VERSION (no add-ons) "How to get ridicoulously good grades in school and move on to a glorious ...

Irony of a False Love

Isn’t it stupid that we allow a person whom we barely know and whom we just met to destroy the fruits of our past and to dictate our future by investing all our emotions in the belief that he/she can provide the happiness that we would need to last our lifetime? Isn’t it amazing how society can make us believe that we can leave the very people who have molded us into who we are just for this certain “special someone”? Isn’t it ironic how almost everyone subject themselves to emotional anxiety and pains in search of what they call ‘LOVE’, when in fact, nobody can even provide a single (and universally accepted) definition of this word, when nobody can guarantee an end when the journey begins? It only hurts when I’m awake. In my dreams you love me more. You let me hold you for as long as I want to and you never let go or back away from me. You let me kiss you in public no matter how passionate or sensual that kiss may be. You listen to everything I have to say even if they don’t mean j...

Summarizations

probably, this may be my last post for this month. i have a lot of requirements to submit and i have to meet all the requirements.and also the article that i have to finish for this month is started yet. but i'll still visit this everyday. you can see me online too on my ym account: gnomishwysard Message Everytime you wake up in the middle of your sleep, there's always this meaning. God wants to take to you. It's a magic that every 4.30am someone tries to wake me up. so surprised to find out that there is this "Christian" group who pray the rosary during that time. that thing is a prayer for world peace. but last tuesday, something weird happened. something made me wake up even when i have just slept for less than an hour. i was able to start the praying of the rosary. the Apostles Creed, one Our Father, 3 Hail Mary's, one Glory be, etc. i reached up to the 2nd mystery then unconsciously i have fallen asleep. I got a nightmare. the scene happened in front of t...