Skip to main content

May Himig ang Abakada


Maraming wika,

biyaya ng kabihasnan,
sangkap-Pinoy na namumukod tangi.
Iba’t ibang panulat at pananalita,
pinagbuklod ng iisang kultura, damdamin at mithiing
para sa kapwa at sa Inang bansa.



ABAKADA- iyan ang isa sa mga salita na una kong natutunan noong nagsisimula pa lamang akong mag-aral. Sa katunayan, isang popular na libro ang naging una kong guro, ang dilaw na libro ng abakada.

Sa aking paglaki, unti-unti akong namulat sa iba pang wikang umusbong at yumabong sa Pilipinas. Dati rati, sa aking murang pag-iisip, nag-iisa lamang ang itinatangi kong Abakada, na wala nang iba pang wika ang nag-ugat, nagka-ugat, maririnig at mababasa sa ating bansa kundi ang Abakada. Laking gulat ko nang malaman kong humigit sa 100 ang wika natin sa bansa.

Naitanong ko tuloy sa aking sarili, “Ano naman ang magandang maidudulot nito sa aming bansa? Hindi ba’t mas magulo at mahirap magkainitindihan kapag napakarami nating wikang ginagamit at naririnig?”

Dumaan ang mga araw, napilas na ang mga buwan sa kalendaryo, nakailang palit na rin ng presidente ang Pilipinas, wala pa ring naging kasagutan sa mga katanungang minsang naglaro sa aking diwa. Hanggang sa nakalimutan ko na ang mga tanong. Binura na ito ng mga bago kong pinagkaabalahan ngayong lumaki ako, nagkaisip at nag kolehiyo.

Sa isang iglap, sa isang tik tak ng orasan at pagtaas ng usok sa himpapawid, mabilis na bumalik sa akin ang mga mumunting bagay na minsan nang naglaro sa aking isipan nuong bata pa ako. Sa tema ng Buwan ng Wika ngayong taon, nagbalik ang lahat. Ngayong mulat na ako at hindi lang Abakada ang alam na bigkasin, masumpungan ko na kaya ang kasagutan sa matagal ko nang katanungan?

Nagtanung tanong ako sa mga kaibigan, kaklase, guro, kasambahay pati na rin sa mga kasamahan ko sa simbahan. Napakunot ang noo nila sa tema na tinutukoy ko. Wala sila halos masabing kagandahan ng pagkakaroon ng maraming wika tungo sa matatag na bansa. Niratrat ako ng mga katanungan, “Paano naman mangyayari iyon?”, “Hindi ba’t contradicting ‘yun?” at marami pang katulad na katanungan. Hindi raw maganda ang maidudulot ng pagkakaroon ng maraming wika. Inilalagay lamang tayo nito sa pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakaintindihan. Wala raw tayong magiging pagkakaisa bilang isang nasyon, nagkakaroon lamang daw ng pagbubukod bukod ng iba pang maliliit na nasyon sa Pilipinas tulad ng Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Bikolano, Bisaya, Waray, Tausug, Dumagat at marami pang iba. Tulad ng isang cold war sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano dulot ng magkaibang pananamplataya at nauwi sa pag kakanya kanya, ganito raw ang kasuklam suklam na dulot ng pagkakaroon ng maraming wika.

Tunay nga bang ganito lamang ang ating kahihinatnan sa paggamit ng maraming wika? Hindi ba ito ang magbibigay liwanag at gigising sa matagal nang pagkakahimbing ng ating bansa?

Mayaman ang ating bansa, sa likas na yaman, magagandang tanawin, mga mamamayang hitik sa talento at kasanayan. Iniwanan tayo ng ating mga ninuno ng isang malakas na sandata tungo sa mga laban na susuungin ng ating bayan. Walang dudang napakayaman ng ating kultura, isang bagay na dapat nating ipagmalaki. At ang pagkakaroon ng maraming wika ang isang unang manipestasyon ng pagkakaroon ng isang mayamang bansa.

Napakarami nating maaaring gamitin upang makabangon at muling kilalanin sa buong mundo bilang isang matatag na bansa. Tamang paggamit at nararapat na distribusyon ng yaman ang sagot sa matagal nang suliranin sa bansa. Walang kahirapan kung walang mga taong mapagsamantala. Nasaan na ang magagandang asal na minana natin sa ating mga ninuno? Kasabay ba itong nawala ng ating kumpiyansa na makatutulong sa atin ang pagkakaroon ng maraming wikang ipinamana nila? Kung negatibo ang tingin natin sa lahat ng bagay at hindi susurii’t titignan ang kabilang anggulo ng mga ito tulad ng pagkakaroon ng maraming wika, hindi na ako magtataka kung bakit magulo ang takbo at usad pagong ang bansa natin sa ngayon.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng aking guro na ang mga Amerikano at hindi tayong mga Pilipino ang pinakamahusay magsalita ng Ingles. Dagdag pa niya, ang mga Amerikano raw ang gumagamit ng wikang Ingles sa araw-araw nilang pamumuhay at sa kanila na ito nagmula at umunlad. Hindi natin masasabing mas mahusay ang isang foreigner na magsalita ng Tagalog kahit gaano pa siya kahusay. Ang katutubong wika ng bansa ang siyang puso ng mga mamamayan. Hindi sapat ang pagiging mas mahusay natin sa gramatika upang sabihing mas mahusay tayong gumamit ng wika nila.

Kung magkagayon, maaari rin nating sabihin na tayo higit sa ano pa mang lahi ang pinakamahusay na magsalita ng wikang Filipino kasama ang iba’t iba pang wika sa ating bansa. Tayo rin ang tanging makapagpapayaman nito. Tayo ang siyang dapat na nagmamahal dito, tayo ang siyang dapat na nagmamalasakit at umaaruga rito. Hindi sila, hindi sa kung sino pa man. Ikaw nga! Pinoy ka, hindi ba?

Minsan, kailangan lamang nating tumahimik, damhin ang dugong dumadaloy sa ating mga ugat, ang tibok ng puso, ang himaymay ng laman, dugong bayaning isinalin sa atin ng ating mga ninuno, isang mabunying lahi na tunay na maipagmamalaki. Gamit ang tangi nating lakas ng pagkakaroon ng mayamang kultura na pinatunayan ng pagkakaroon ng maraming wika, magsama sama tayo, kapit bisig, walang bibitaw sa iisa nating layuning ibangon at iluklok ang bansa sa iniwan nitong pedestal. Gamit ang maraming wika, pagyamanin natin ang sarili nating kakayahan, magsama sama ang maliliit na nasyon gamit ang kulturang minana sa ating mga ninuno. Tulad ng super regions na binabanggit ng ating pamahalaan, hikayatin natin ang bawat isa na paunlarin ang bawat yaman sa kani kaniyang lugar, pandayin ang yamang nakukubli ng mga hindi magagandang pangyayari at matapos nating mailabas ang tunay na kinang ng mga ito, pagsamasamahin natin ito gamit ang iisang damdaming makaalpas sa kahirapan dulot ng hindi pagkakaisa.

Iisang layunin, iisang hangarin. Maraming wika ngunit iisang tinig. May isang himig ang Abakada, tulad ng mga Abakada sa iba’t ibang wika ng bansa. Pagkakaisa, pagdadamayan, pagpapaunlad at pagpapanday sa yamang iniwan ng ating mga ninuno. Iyan ang himig na matagal ko nang hindi naririnig, himig na naging mailap sa aking pandinig. Hindi ang pagkakaroon ng maraming wika ang hadlang sa pag-unlad, bagkus isa ito sa makatutulong sa pag-abot sa ating mga pangarap. Iisa lamang ang ating kailangan, iisa lamang ang hinihingi ng tagumpay, tulad ng himig ng Abakada, pagsamasamahin natin ang ating mga tinig tungo sa iisang layunin, iisang damdamin. Magkaroon ng iisang puso, iisang Pilipino sa laban ng pagiging matatag na bansa.

Kaisa ba ng himig ng aking Abakada ang ibinubulong ng sa iyo? Magkaiba man sa titik at pananalita, alam kong iisang musika ang inaawit ng mga ito.

-----------------------------------------------------------------------------------------------


Comments

hi! your post is noted, reviewed and will be included in the wika2007 official list of entries... Good luck po!
icarus_05 said…
Isa lang ang masasabi ko...

Panalo!

Goodluck sa atin! voted this entry!
Anonymous said…
Iba talaga ang BBB! Hehehe!

Kaya nga dapat mandatory ang pag-sasalita ng ibang dialect satin kahit dalawa lang para naman talagang masabi nating alam at kaya natin salitain yun!
Janette Toral said…
Siguro, kung ang mga mag-aaral ay tuturuan din ng ibang mga dialects natin, mapagyayaman pa nga ng husto ang ating wika.
Dantes said…
Nice entry and work! Voted for this one! Hope you win! Keep it up!
Anonymous said…
wow! ang lalim.
go kuyaa!

goodluck!
triZzZ said…
wow. ang galing. I'll vote for you!
chippie said…
ui, ang galing...
sabihin ko lang yung strongpoints nitong entry mo...

una, sumunod sya sa theme na "maraming wika, matatqag na bansa"

pangalawa, positibo yung sense ng essay mo, at na justify naman kung bakit

pangatlo, tama ang gramatika, pino ang pagkakasulat

pang-apat, hay, maganda lang talaga...

sino ako?? kaibigan mo, pero binasa ko rin muna halos lahat ng entry.. di ako bias...

Godbless p're!!!
Doubting Thomas said…
bukas boboto na talaga ako! promise! kelangan manalo ka! ikaw palang ang nababasa ko na worth voting for!

yung ibang entry patapon at walang wenta!
Sarah said…
At kung kelan akala ko napagod na ako sa pagsuyod ng mga entries para sa isang araw, nabasa ko ang entry mo.

Ahahay! Nice job!

Hehehe. Nabuhayan tuloy ako. ^_^

Sang-ayon ako sa mga comments nilang lahat. Great job and good luck!
Anonymous said…
ui, sana maging fair ang judging!
kahit na ga-milya ang layo ng boto ng mga ungas na yun, eh masasabi kong higit namang maganda ang entry mo!!!

I'll pray for you!
Godbless!
Doubting Thomas said…
bumoto na ko! ikaw lang ang binoto ko!
Unknown said…
nice!!!!
dahil d2 nakakuha aq ng idea pra sa essay writeing c0ntest nmin!!tenk u!!
Lalon said…
maganda ang pagkaka-lahad mo ng mga punto mo. I enjoyed it.

Nakulangan lang siguro ako ng justification mo kung paano mapapatatag ng maraming wika natin ang ating bansa.

Sinadya kong hindi bumoto ng kahit na sino dahil hindi ako talaga sang-ayon sa paksa ng Wika writing contest.

I think you did good (amongst others). Sana manalo ka. ^_^
Anonymous said…
good luck.. nice work of art.. thumbs up.. hope ul win..

Popular posts from this blog

How to Get Spectacular Grades from School

This article wasn't my idea actually. Here are just realizations of what's the best way to get good grades and how to have a full long-term memory rather than having a sensory motor or short-term memory. Advices are made by our very own writer from the Philippines, Ms. Jessica Zafra. Ewan ko ba kung natagpuan nya na ang tinitibok ng puso nya. haha. what i know is that matalino siya. start na tayo? Ok, ganito yan, to others, nagsisimula na ang kalbaryo ng buhay eskwela, to others sa june 13 pa. sa iba naman ewan ko. Since school year 2006-2007 has already begun, pressure to many students also come along. Hectic schedules, a lot of assignments, stupid projects and all causes insanity that ithers just freak then shout loudly to the class: "Ayaw ko na!!! I drop this subject! I can't stand you anymore!!!" In that case you will all need this good tips given by her. UNCUT VERSION (no add-ons) "How to get ridicoulously good grades in school and move on to a glorious ...

Irony of a False Love

Isn’t it stupid that we allow a person whom we barely know and whom we just met to destroy the fruits of our past and to dictate our future by investing all our emotions in the belief that he/she can provide the happiness that we would need to last our lifetime? Isn’t it amazing how society can make us believe that we can leave the very people who have molded us into who we are just for this certain “special someone”? Isn’t it ironic how almost everyone subject themselves to emotional anxiety and pains in search of what they call ‘LOVE’, when in fact, nobody can even provide a single (and universally accepted) definition of this word, when nobody can guarantee an end when the journey begins? It only hurts when I’m awake. In my dreams you love me more. You let me hold you for as long as I want to and you never let go or back away from me. You let me kiss you in public no matter how passionate or sensual that kiss may be. You listen to everything I have to say even if they don’t mean j...

Summarizations

probably, this may be my last post for this month. i have a lot of requirements to submit and i have to meet all the requirements.and also the article that i have to finish for this month is started yet. but i'll still visit this everyday. you can see me online too on my ym account: gnomishwysard Message Everytime you wake up in the middle of your sleep, there's always this meaning. God wants to take to you. It's a magic that every 4.30am someone tries to wake me up. so surprised to find out that there is this "Christian" group who pray the rosary during that time. that thing is a prayer for world peace. but last tuesday, something weird happened. something made me wake up even when i have just slept for less than an hour. i was able to start the praying of the rosary. the Apostles Creed, one Our Father, 3 Hail Mary's, one Glory be, etc. i reached up to the 2nd mystery then unconsciously i have fallen asleep. I got a nightmare. the scene happened in front of t...